ITO ANG FM KO!!!

Wednesday, August 25, 2010

LIST OF AFPTAB PASSERS!

1. ABANADOR, JOFFREY
2.ABARE, RANDY R.
3.ACOSTA , RHEA GLENN B.
4.AGUSTIN, REYMON D.
5. ANDAYA , LESTER S.
6.ANDRADE, REYDANTE S.
7. ANDRADE, DANTE JR. S.
8.ANONUEVO, MELVIN D.
9.ARAGON, DANDREB C.
10.BABO, JILBERT Z.
11.BAGAIN, MOISES JR. A.
12.BALBOA , JCEL P.
13.BATICADOS, JENNES M.
14.BILOG, DARWIN P.
15.BORABIEN, NOEL D.
16.BORABIEN, BRYAN JOSHUA G.
17.CALDERON, MARVIN R.
18.CAMPOS, FREWEL
19 CATUBUAN ANTHONY A.
20.COBSELAN, RICHARD A.
21.COBSILAN , FAITH A.
22.CUPIADO, EDWARD B.
23.DE LUNA , NUMERIANO R.
24.DE GUZMAN, NOEL JR.
25DELA CRUZ, ERWIN V.
26.DONDON, JUNITO W.
27.DUENAS, MADEL R.
28. ESCOTE, FERNANDO G.
29.ESPINAS, JONH LEE S.
30.EUGENIO, LEONARD R.
31. FLORES, JONATHAN C.
32.GAMUL, ANDRADY G
33.GANTE, LOUIE S.
34.GARCIA, SAMUEL R.
35GARONG, MARION FRANCIS M.
36.HILARIO GERRY G.
37.ILAO, RYAN F.
38.INSIGNE, FREDERICK F.
39.JOVER, NINO M.
40.JOVER, JOMAR P.
41.LINGA, MARC EL F.
42.LUBINA, DIOSDADO M.
43.LUIS, JAYSON J.
44.MELENDREZ, DENNIS R.
45.MONTOYA, JONAS U.
46.MORADA,RAMIL M.
47.MORENO, JOMAR B.
48.NERVIDA, ALDICH G.
49.OLIVEROS,JHEMARK S.
50.ORTEGA, MELCHOR O.
51.ORTEGA, GREGORIO O.
52.OZAR, MARK LESTER M.
53.PALAD, JAY G.
54.PAN, CHRISLER H.
55.PASADILLA, VICENTE N.
56.PAULINO, ARCHIE B.
57.PEREZ, JOHNNADEL S.
58.REVILLA,RODOLFO JR. R.
59.RICAFORT, JOVY MHAR R.
60. RINGOR, RANDY M.
61.RODRIGUEZ, ERWIN A.
62.ROSALES,NEPHTALI A.
63.RUSTIA, ARCELITO C.
64.SARA, CRISLEY G.
65.SAURE, DAVID DON JR.
66.SAWAY,KENNETH F.
67.TERRAYO,CRISTINA T.
68.TOQUERO,ESMAEL M.
69.VALENZUELA, RHEA C.
70.VIDAL, GILBERT V.

Wednesday, August 18, 2010

DEMOLISYON SA SITIO MABUHAY

              Ika-16 ng Agosto sinimulan ang demolisyon sa Sitio Mabuhay,Brgy. Tayamaan Mamburao Occidental Mindoro sa kadahilanang ito ay nakalaan para sa pagpapatayo ng slaughter house o katayan ng baboy, baka at iba pang hayop na ititinda sa palengke.Nakapaskil malapit sa kasalukuyang slaughter house ang mensaheng ito.
ANG ILAN SA MGA BAHAY NA IPINAGIBA







Add caption

              Ilan sa mga residente ang nakapanayam ng inyong lingkod at nagpahayag ng kanilang damdamin hinggil sa isinagawang demolisyon at ang tanging hiling diumano ng mga residente ay ang relocation area upang sila ay hindi magmukhang kawawa sa oras na dumating nga ang sandaling ito.Subalit hanggang sa mga oras na ito  ay walang malinaw na usapan ukol sa nasabing relocation.Ayon pa sa ilang residente wala umanong hawak na court order ang mga taong nagpagiba ng mga kabahayan.Apektado ang labing dalawang pamilyang nanirahan ng halos 7 taon hanggang 30 taon sa lugar na ito. Ayon pa rin sa kanila ang tanging sagot lamang sa kanila kung saan sila maninirahan pagkatapos ng ngyaring ito ay pansamantala kuno muna silang manirahan sa mga kamag anak o mangupahan sa ibang lugar.

NEWS WRITER: DJ DANIELLE


PHOTOS BY: RAYMOND BALBIN

SIX YEARS NA PO KAMI!!!

Station Manager 1lt Natalie Kris Obina

            ANG MASAYANG SELEBRASYON NG IKA-6 NA TAONG ANIBERSARYO NG 104.9 MAMBO-HEART FM!!!

          Ang panimulang pananalita ng Station Manager ng 104.9 MAMBO-HEART FM at ang pagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta at tumatangkilik sa himpilang ito.Ipinaabot din ng makisig na station manager ang planong pagsasagawa ng isang seminar para sa organisasyon ng Hearts Clan upang magbigay ng aral at training sa mga kabataang ito.Hiniling nya rin na sana sakaling malipat na siya ng lugar sa mga susunod na araw at mapalitan bilang namumuno ng himpilang ito, ay patuloy pa ring pagbutihin at suportahan ang papalit sa kanya at ganundin maibigay ang suportang ibinibigay niya sa kasalukuyan.
          Binanggit rin nito ang pagmamalaki niya sa Brigade Commander sa mga naging proyekto ng organisasyong itinatag sa ilalim ng 104.9 MAMBO-HEART FM,ang Hearts Clan.
Administrative Officer Dj Arvee

            




Asst. Administrative Officer"Dj Danielle"
Program Supervisor Papa Kiko and Dj Danielle as Hosts

Catching Eggs played by the Hearts Clan and 80IB PA





Fresh Mangyan Tribe of Hearts Clan with Dj Danielle (L-R)White blush,Alectra,Ashmier and Midnight Crossing

Zeuss and Garic

Psyken and Ashmier

Nag agawan sa talong  ni Cyrus si Ashmier at Del Princess

Garic sings Too much love will kill you

Jamming with Brutal, Rich maid and Fearless
          Magulong masaya ang naging selebrasyon ng ika-6 na taong anibersaryo ng himpilang ito noong ika-15 ng Agosto 2010 na ginanap sa Alastre Beach Resort.
         Umaga pa lamang naging abala na ang Hearts Clan members sa paghahanda para sa selebrasyon at tulong tulong na inihanda lahat ng kailangan mulA sa dekorasyon, pagkain at mga palaro.Sinimulan sa pamamagitan ng sama samang pagkain ng lahat ng dumalo sa okasyon kabilang na ang mga kasundaluhan ng 80IB , Hearts clan ,Fresh Mangyan Tribe of Hearts clan at marami pang iba.Dumalo rin sa nasabing okasyon si Tuna Queen Abelle Pantoja,Arriola Band at maging mga foreigner ay nakisaya at nakigulo sa masayang pagtitipong ito.Sa huli ay umuwing puno ng saya ang bawat isa.

News Writer: Dj Danielle

Photos By: Raymond Balbin

Saturday, August 14, 2010

HEARTS CLAN GENERAL ASSEMBLY MEETING!!!

News Writer: Dj Danielle

Photos By: Raymond Balbin


       Ika-14 ng Agosto 2010 ginanap ang General Assembly Meeting upang magkakilala ang bawat miyembro at pag usapan ang lahat ng importanteng bagay hinggil sa organisasyon at ipaliwanag ang tungkol sa mga bagay na dapat malinawanagan.Napag usapan din ang mga responsibilidad ng bawat miyembro, advisers at higit sa lahat ng mga opisyal ng nasabing organisasyon.Ganun din pinag usapan ang magiging partisipasyon ng bawat miyembro sa nalalapit na ika-6 na anibersaryo ng 104.9 MAMBO-HEART FM na gaganapin sa ika-15 ng buwang kasalukuyan sa Alastre Beach Resort ganap na ika-11:00 ng umaga hanggang gabi kasama ang station manager ng himpilang ito.Tinutukan ng founder na si Black panther ang "konstitusyon at mga batas ng samahan".
                    

Fresh Mangyan Tribe
of Hearts Clan
      Sinimulan ang pagpupulong ganap na ika-4:00 ng hapon sa pamamagitan ng isang panalangin na ginampanan ng isang miyembro ng organisasyon na si Del Princess.Sinundan ito ng pananalita ng presidente na si Cancer John at  pinangalawahan ng founder na si Black panther.Binigyan din ng pagkakataon na ipahayag ang niloloob ng bawat miyembro.Naging maayos at masaya ang naging pagpupulong.





Black Panther and the Officers and members of Hearts Clan
                                                                                                                   



Wednesday, August 11, 2010

ORGANIZATIONAL CHART OF MAMBO-HEART FM

ADMINISTRATIVE DEPARTMENT
STATION MANAGER-----1ST LT NATALIE KRIS OBINA

ADMINISTRATIVE OFFICER---RICARDO"DJ ARVEE" BRIGUEL JR.

ASST. ADMIN. OFFICER ----MENCHIE "DJ DANIELLE"MENDIZABAL-ESCUDERO

FINANCE OFFICER -----MARY JANE "DJ MJ"TANEDO-MARFIL

PROGRAM SUPERVISOR----ARIEL "PAPA KIKO"FLORES

FIELD REPORTERS /CAMERA MAN-------RAYMOND "PAIN" BALBIN
                                                              PAUL KENNETH ARCAYOS

BLOCKTIMER/BROADCASTER------------MELENCIO "DJ MEGAN"GABALES

TECHNICAL DEPARTMENT


SENIOR BROADCAST TECHNICIAN--------LOSANTO "CRIS" MUNAR

COMPUTER AND BROADCAST TECHNICIAN-----ROLANDO "LANZE" BRIGUEL

PROGRAM SCHEDULE OF THE DJs

                    DJ ARVEE

10:00-12:00AM      MONDAY TO FRIDAY               HEARTS ON MORNING DRIVE
 9:00 -11:00PM       MONDAY TO FRIDAY              LOVE MEMORIES
 9:00 -11:00AM      SATURDAY                              JAMMING WITH THE DJ

                   DJ DANIELLE

12:00- 12:130        MONDAY TO SATURDAY         BALITA ALAS DOSE       
1:00 -    3:00          MONDAY TO FRIDAY              LOVE IS IN THE AIR
 9:00 - 10:00          FRIDAY                                   PDEA HOUR
1:00 - 3:00             SATURDAY                             PAG IBIG MUSIKA AT IBA PA


                   PAPA KIKO



3:00 - 5:00       MONDAY TO FRIDAY    ALTERNATIVE AFTERNOON GROUND 

3:00 - 5:00       SATURDAY EDITION    ALTERNATIVE AFTERNOON GROUND

             
              DJ MJ

7:00-9:00PM            MONDAY TO FRIDAY          TUNOG PINOY

7:00-9:00AM            SATURDAY                         MORNING WITH MJ


            


DJ DANIELLE'S PROGRAM SCHEDULE

12:00-12:30------MONDAY TO SATURDAY-------->BALITA ALAS DOSE
1:00-3:00---------MONDAY TO FRIDAY------------> LOVE IS IN THE AIR
1:00-3:00---------SATURDAY------------------------>PAG-IBIG, MUSIKA AT IBA PA
9:00-10:00--------FRIDAY---------------------------->PDEA HOUR

HONORING THE SPONSORS...

MAMBO-HEART FM WOULD LIKE TO SAY THANK YOU FOR THE FOLLOWING SPONSORS FOR SUPPORTING THEIR PROJECTS:



1. GOVERNOR JOSEPHINE RAMIREZ - SATO
2. VICE.GOV. MARIO "GENE"MENDIOLA
3. BOKAL JOEL "BIG J" PANALIGAN
4.   MAMBURAO MUNICIPAL  COUNCILOR DOLORES "LES"CALABIO
5. OSCAR "OCA" RECAIDO
6. JV FAMILY MART
7. MAMBURAO MUNICIPAL VICE-MAYOR ANGELINA T. TRIA
8. PENRO CONRADO ESPEJO JR.
9. AQUA-FLOR PURIFIED DRINKING WATER
10. EMILY AQUINO'S STORE
11. BUTCH UKAY UKAY
12. FERRER STORE
13. MAMBURAO MUNICIPAL COUNCILOR RAUL "BOY"MASANGKAY
14. M.R. BABAO DRY GOOD STORE BY MR. AND MRS.ABELLE AND JOEY BABAO
15. MARLENE MENDIZABAL MENDOZA
16. MARLON "GHOST" MARFIL

DJ DANIELLE WOULD LIKE TO SAY THANK FOR THE FF.SPONSORS:

1. JANSTAR COLLECTIONS OF MISS GIE PAEZ
2. TROJAN MOTOR PARTS OF MISS GIE PAEZ
3. M.R. BABAO DRY GOOD STORE  OF MR. AND MRS. ABELLE AND JOEY BABAO
4. KOKOK LECHON MANOK OF MRS. PRECY CADAY
5. MILAGROSA STUDIO CENTER OF MAUI FLORES
6. TITA BABES CARINDERIA
7. MARLENE MENDIZABAL MENDOZA ACCESORIES
8. ALASTRE BEACH RESORT
9. JARCOM EXPRESS
10. JM GENERAL MERCHANDISE


DJ ARVEE WOULD LIKE TO SAY THANK YOU TO THE FF. SPONSORS:

1. BEEPER COMMERCIAL
2. JOMEL'S PHARMACY
3. JARCOM EXPRESS
4. SKYZ FASTFOOD
5. HAIRLINE SALOON
6. ALASTRE BEACH RESORT


PAPA KIKO WOULD LIKE TO SAY THANK YOU FOR THE FF. SPONSORS:

1. JOMEL'S PHARMACY
2. JARCOM EXPRESS
3. FREEDOM TRANSFORMER SERVICES AND ENTERPRISES
4. ALASTRE BEACH RESORT

Tuesday, August 10, 2010

80IB BATCOM LTC ROGELIO P. PERCOL,GOV.JOSEPHINE RAMIREZ-SATO,Abra de Ilog Vice-mayor FLORO CASTILLO

MAKAHULUGANG PRAYER RALLY SA ABRA DE ILOG, OCC.MDO.!!!


                Sitio Talusungan brgy Balao Abra de ilog, Occ.Mdo.-Noong ika-29 ng Hulyo bandang alas 3:00 ng hapon ay pinasabog diumano ng mga New People's Army (NPA) ang 3 dump truck at isang backhoe sa pamamagitan ng dinamita noong at ika-9 ng buwang kasalukuyan,2010.Ito ang naging dahilan upang magsagawa ng isang Prayer Rally sa So. Talusungan Brgy Balao, Abra De Ilog sa pangunguna ng 80Infantry (Steadfast) Battalion sa pamumuno ng Battalion  Commander na si LTC. ROGELIO P. PERCOL kasama ang station manager ng 104.9 MAMBO-HEART FM na si 1st LT. Natalie Kris Obina. At ang mga kasundaluhan ng nasabing Battalion.Naroon din ang mga kapulisan upang siguraduhin ang seguridad ng nabanggit na okasyon.Dumalo rin ang ina ng lalawigan ng Occ. Mdo. na si Governor Josephine Ramirez Sato ksama ang Vice-Gov. Mario “Gene” Mendiola, atvVice-Mayor ng Abra De-Ilog na si Hon.Floro Castillo.Naging kaagapay rin ng mga kasundaluhan ang mga kapulisan sa pamumuno ni Police Senior Inspector (PSI) MARLON CABATANA ang Abra De Ilog, chief of police.Kabilang din sa nasabing rally ang lider/pastor ng iba’t ibang relihiyon tulad ng mga sumusunod Pastor Loreto Masangkay Jr. , Pastor Daniel Bas, Gng. Celeste Zoleta ang kinatawan ng Iglesia Ni Cristo(INC)., Rev. Fr. Ronald Panganiban Parish Priest of San Rafael Abra De Ilog at ang samahan ng mga manggagawang kristiyano ng nasabing bayan.
                Nagsimula ang prayer rally ganap na alas 8:00 ng umaga sa pamamagitan ng isang interpretative dance na ginampanan ng Fresh Mangyan Tribe ng Hearts clan. Sinundan ito ng makahulugang mensahe na ipinaabot ng chief of police ng Abra De Ilog sa katauhan ni Senior Police Inspector Marlon Cabatana,at mula naman sa 80IB ay ang Battalion Commander na si LTC Rogelio P. Percol, ganundin nagbigay ng mensahe ang Vice-Mayor ng bayang ito na si Hon. Floro Castillo bilang kinatawan ni Municipal Mayor Eric Constantino. Binigyan din ng pagkakataon magpahayag ng kanyang saloobin ang Vice Governor ng lalawigang ito na si Hon. Mario “Gene” Mendiola at buong tapang na nagbigay ng makahulugang mensahe ang ina ng lalawigang ito sa katauhan ni Governor Josephine Ramirez Sato kung saan ay hinamon nya ang taong bayan kung nais natin ng kapayapaan ito ay dapat magsimula sa sarili ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng pag alis ng takot sa mga taong gumagawa ng hindi maganda sa pamahalaan at tuluyang makipagkaisa sa pagsugpo sa mga taong nasa likod ng pangyayaring ito.
                Sinundan ng motorcade mula sa lugar na pinagsunugan ng mga nabanggit na sasakyan hanggang sa Abra De Ilog pier kung saan ay ginagamit ang mga dump truck na pinasabog pabalik sa bagong gymnasium ng nasabing bayan kung saan isinagawa ang pagtatapos ng panalangin ng bawat lider ng relihiyon.Layunin ng naturang rally ang pagpapaabot ng mensahe na sana ay maliwanagan na ang isipan ng mga taong gumawa ng bagay na ito upang tuluyan ng maghari ang kapayapaan sa lalawigan ng buong  Occidental Mindoro.



NEWS WRITER: DJ DANIELLE


PHOTOS BY: RAYMOND BALBIN

ANG MGA SINUNOG NA DUMP TRUCK AT BACKHOE 


  
  

1st LT NATALIE KRIS OBINA
ANG MGA KAPULISAN
BAYAN NG ABRA DE ILOG



  








Thursday, August 5, 2010

HEARTS CLAN IN ACTION!!!

Writer: DJ Danielle
Photos by: Raymond Balbin

          Muling nagtagumpay ang isinagawang proyekto ng HEARTS CLAN noong ika-31 ng buwan ng Hulyo 2010, kung saan sama samang nagtanim ng isang daan(100) puno ng Gemelina mula sa DENR Mamburao Occidental Mindoro na una ng pinagkaloob ni PENRO Conrado Espejo Jr. Ito ay isinagawa sa Sitio Pinagturilan Sta. Cruz Occidental Mindoro kasama ang kasundaluhan ng 80th Infantry Brigade sa pangunguna ni 1st Lt. Latay at ng Station Manager ng himpilang 104.9Mhz Mambo Heart FM na si 1st Lt. Natalie Kris Obina. Naroon din ang "Adviser" ng naturang organisasyon na si Mamburao Occ. Mindoro Vice Mayor Angelina "Lyn" Tria at iba pa niyang kasamahan. Nagsimula ang paghahanda ganap na alas 7 ng umaga at natapos ganap na ala-1 ng tanghali. Kabilang sa mga tumulong ay ang mga sumusunod..Aqua Flor Sta. Cruz kung saan nagbigay ng limang galon(5gal) ng mineral water, Councilor Les Calabio, JV Familymart, Luming Grocery Store at marami pang iba.


Hearts Clan

The Founder "Black Panther" and Station Manager 1st Lt. Natalie Obina

"Psyken" Hearts Clan Officer(right) Vice Mayor Angelina "Lyn" Tria (left)