ITO ANG FM KO!!!

Thursday, October 7, 2010

PAGPASLANG NG NPA KAY KAPITAN CASTIGADOR KINONDENA




TACTICAL COMMAND POST, Mamburao, Occidental Mindoro – Mariing kinondena ng mamamayan ang karahasan na ginagawa ng rebeldeng grupo ng New People’s Army na kumikilos sa lalawigan sa pamamagitan ng isinagawang “Peace Rally” sa barangay Balansay, bayan ng Mamburao, Kanlurang Mindoro  alas 9:00 ng umaga araw ng Martes Oktubre 5 taong kasalukuyan.
            Ito ay pinangunahan ni Tenyente Koronel Rogelio P. Percol at dinaluhan ng mga kilalang personalidad sa lalawigan, kasundaluhan at mga mamamayan ng Mamburao. Kabilang sa mga dumalo sina gobernador Josephine “Nene” Ramirez Sato, bise gobernador Mario Gene Mendiola, Bokal Damaso G. Abeleda at Marilou C. Ignacio ng unang distrito, Vice-mayor Angelina T. Tria ng Mamburao, Rev. Father Dick Guillermo, leader ng ibat-ibang sangay ng relehiyon, kapamilya at ilang malalapit na kaibigan ng namayapang dating barangay kapitan Ariel Castigador ng Balansay.
            Matatandaan na si kapitan Castigador ay pinaslang ng walang pakundangan kasapi ng rebeldeng NPA, ito ay naganap sa kanilang bahay sa harap ng kaniyang asawa’t anak na walang malinaw na basehan upang tapusin ang kanyang buhay. Si kapitan Castigador ay buong puso at tapat ang pagsisilbi sa kanyang nasasakupan, mapaglingkuran lamang ang kanyang kabaranggay.
            Ang “Peace Rally” na may temang “Magsamasama’t magkaisang manalangin para sa hustisya tungo sa katahimikan” ay pinasimulan sa pamamagitan ng pambungad na pananalita ni kapitan Rondel Pedraza ng Balansay, kasunod ang pagbibigay mensahe ng asawa at ilang personalidad na bisita, bilang pagtuligsa sa karahasan ng NPA sa lalawigan. Nagkaroon din ng motorcade sa bayan ng Mamburao upang ipakita sa mga tao at mahikayat ang bawat mamamayan na makiisa at huwag na hayaang maulit pa ang ganitong karahasan sa probinsya ng kanlurang Mindoro.
Ang ganitong okasyon ay isang pagpapakita ng pagkakaisa sa gitna ng kasundaluhan at mamamayan upang pag ibayuhin at paigtingin ang pag-tutulungan sa pagpapanatili ng katahimikan at kaunlaran sa lalawigan ng Kanlurang Mindoro. Si Gobernadora Sato at Tenyente Kolonel Percol sa kanilang talumpati ay umapela sa publiko na makiisa sa ganitong gawain at tiniyak ang kaligtasan ng bawat mamayan at malayo sa anumang kapahamakan-End
mga katutubong dumalo




lightning of candles


heartsclan


Pastor Joey Pinas





Vice-Gov Mario "Gene"Mendiola

Governor Josephine Ramirez Sato



Asawa ng dating kapitan Ariel Castigador
                                                                                                               















ITDS SA CABACAO TAGUMPAY!

80IB BATCOM LTC ROGELIO P. PERCOL @ BRGY.CAPT.NOLASCO QUINONES

FRESH MANGYAN TRIBE "WHITE BLUSH" AND BATCOM

AWARDING OF CERTIFICATE


1LT SABLAN ALPHA COY


THE 80IB COMBO














 Sto Cabacao,Abra de Ilog Occ.Mdo.-Ginanap ang selebrasyon ng ginawang ITDS Internal Territorial Defense System sa Barangay na ito kung saan nagkaroon ng palaro o liga ng Basketball upang magkaroon ng maayos na pakikisama ang mga Philippine Army sa mga tao kaantabay ang pagbibigay ng mga pamamaraan at kaalaman kung paano po-protektahan ang kanilang barangay lalo’t higit ang kanilang mga pamilya. Nagkaroon ng Barangay Night matapos ang mahigit na ilang linggong paglalagi dito upang maisakatuparan ang layunin ng mga kasundaluhang ito.Nakisaya ang Battalion Commander sa katauhan ni LTC ROGELIO P. PERCOL sa okasyong ito sa pamamagitan ng paghahandog ng isang awit.Sa kanyang mensahe binanggit ng mabait na Battalion Commander na ang pagpunta ng bawat sundalo sa isang barangay ay pakikipagkaibigan at pakikipagkaisa sa bawat mamamayan upang magkaisa at makamit ang kapayapaan tungo sa kaunlaran.Dumalo rin ang bagong Commanding Officer ng Alpha Coy na si 1LT GIOVANNI SABLAN, naroon din ang dating Commanding Officer ng Alpha Coy 1LT Emil Delos Reyes at ang iba pang mga kasundaluhan ng 80IB.Naging matagumpay ang nasabing aktibidades sa pakikipagtulungan na rin ng mga mamamayan sa pamumuno ni Barangay Captain Nolasco Qui┼łones.

NEWS WRITER: DJ DANIELLE

PHOTOS BY: XACER

Wednesday, October 6, 2010

PRAY FOR PEACE!

            Ganap na ala 9:00 ng umaga sinimulan ang ginanap na prayer rally sa Sitio ng Balansay Mamburao Occ. Mdo. sa pamamagitan ng isang awitin ni G.Arman Tarog at sinundan ng pagpupugay sa bandila ng Pilipinas.Pormal na sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang mensahe na nagmula sa bagong barangay captain na si Kgg. Rondel Pedraza.Susundan ito dapat ng chief of police na si P/INSP Rollyfer Capoquian subalit hindi ito nakarating. Sumunod na nagbigay ng mensahe ang Commanding Officer ng 80IB na si LTC ROGELIO P. PERCOL. Naroon din ang malapit sa puso ng kapitan na si Vice-mayor Angelina T. Tria upang magbigay ng mensahe.Nagbigay rin ng mensahe si bokal Damsy Abeleda, at ang Bise- Gobernador na si Kgg. Mario "GENE" Mendiola. Namamgha ang lahat naman kasabay ang labis na paghanga,higit ang gobernadora Josephine Ramirez-Sato sa makahulugang mensahe na nagmula sa mayor ng mga kapatid nating katutubo na si Kgg. Mayor Udin.Sinundan ng matapang ngunit mabait na gobernadora Josephine Ramirez Sato kung saan muling hinamon ang mga kapatid nating nasa itaas na makipag usap at sabihin kung ano ang ipinaglalaban ng mga itoTinapos ang condemnation speech ng may bahay na si Gng. Nora Castigador ng nawalang kapitan Ariel Castigador ng maemosyon at galit na galit na pahayag patungkol sa mga taong pumaslang sa mabait na kapitan ng barangay.Umawit ng " Oras na " ang batang si Lyka habang nagsindi ng kandila ang mga dumalo simbolo ng pag asa at kaliwanagan ng isipan ng mga taong nasa likod ng pagpaslang sa nasabing kapitan.

Gov. Josephine Ramirez Sato
         















Ginang Nora Castigador


















              Nagsimula naman ang motorcade pagkatapos ng condemnation speech ng mga imbitado. Hindi naman nakadalo ang mayor ng bayang ito sa hindi malamang dahilan.Humabol nman ang kura paroko ng bayang ito na si Father Dick Guillermo.
             Umikot ang motorcade sa kabayanan ng Mamburao Occ. Mdo.pabalik sa Brgy. Balansay kung saan doon nanalangin si Pastor Joey Pinas mula Born again,All for Christ.Natapos ang programa sa pag awit muli  ni Lyka at muling sinindihan ang kandila, sa huli ay pinalipad ang mga lobong kulay bughaw simbolo ng kapayaan. 

Tuesday, September 21, 2010

Brgy. Captain Ariel Castigador,binaril...PATAY!

Kapitan Ariel Castigador of Barangay Balansay Mamburao Occidental Mindoro


          Walang buhay at kaawa-awang bumagsak ang mabait at masipag na 3termer na Kapitan ng Barangay Balansay, Mamburao Occidental Mindoro na si Kapitan Ariel Castigador matapos barilin sa ulo at dalawang beses sa likod gamit  ang M14 rifle sa harap mismo ng kanyang maybahay na si Gng. Nora Castigador at ng kanyang anak na si Ariel Castigador Jr.
          Ayon sa mga nakasaksing kapamilya, kasalukuyang kumakain ng kanilang agahan ang pamilyang Castigador dakong alas 9:00 ng umaga ika-19 ng Setyembre 2010 ng biglang dumating ang labing isang(11) armadong kalalakihan kabilang ang isang babae at nagpakilalang sila diumano ay mga miyembro ng New People's Army (NPA). Nakuha pang anyayahan ng mabait na kapitan na saluhan sila sa kanilang almusal subalit tumanggi diumano ang mga ito at kinaladkad palabas ng bahay ang nasabing kapitan. Tinangkang pigilan ng maybahay ang mga suspek subalit nagbitiw ng mga salitang"H'wag kayong humarang kung ayaw nyong madamay ,marami ng atraso sa amin si kap katulad ng pagpapasuko ng aming ilang kasamahan at madalas na nakikitang nakaangkas sa mga INTEL". Sinubukan pa diumanong dumepensa at magpaliwanag ng biktima na "Iyon po ay ayon naman sa kanilang kagustuhang sumuko at hindi ko sila pinilit."
          Matapos ang pamamaslang dali-daling tumakas ang mga salarin patungo sa direksyon ng kabundukan habang nananaghoy ang mga kapamilya sa pagkamatay ng nasabing biktima.
         Habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy naman ang ginagawang masusing imbestigasyon ng mga kapulisan sa pangunguna ng chief of police na Police Inspector Rollyfer Capoquian at nangakong gagawin ang lahat sa ikalulutas ng krimeng naganap sa barangay na ito. Ganundin ang pinal na imbestigasyon ng SOCO/CIDG.


News Writer : Dj Danielle

Photos By: Raymond Balbin

Researchers: Raymond Balbin
                        Dj Arvee














Monday, September 20, 2010

KING CORN

KING CORN

                        Madalas ka bang namamasyal sa SM BATANGAS?Lagi ka bang nagugutom sa sobrang pagkalibang sa pamamasyal dito?Pamatid gutom at masarap na merienda lang ang katapat nyan at yan ay matatagpuan sa KING CORN!!!
               Iba't ibang flavor ang inyong pagsasaluhan dyan.Meron silang Butter,Garlic ,Cheese, BBQ at marami pang iba.Kaya mag enjoy at mabusog sa KINGCORN only at Batangas city sa tapat ng Celine Boutique.They also offer catering services.For more details please  contact cellphone number 09263969523 and 09165647570 look for Mr. Chris Diroy!

Wednesday, September 1, 2010

Pag-alerto,malayo sa peligro!

               Noong ika-27 at ika-28 ng Agosto ginanap sa Brgy. Victoria Sablayan Occ.Mdo. ang National Disaster Conciousness month na may theme na "Pag-alerto, malayo sa peligro".Dinaluhan ito ng iba't ibang kinatawan mula sa iba't ibang opisina ng Provincial Capitol.Sa unang araw ay isinagawa ang orientation at ibinigay ang impormasyon ng teorya sa pangunguna ng Brgy. Captain na si Kgg. Severino Martinez.
               Nagsimula ang nasabing okasyon ganap na ika- 9:30 ng umaga.Nagbigay ng pahayag si Gng. Rosalinda Lamoca ang OIC-PSWDO para sa participants kung ano ang mangyayari sa buong maghapon.. Naroon din si G. Hilton Hernando ang kinatawan ng PAGASA kung saan ay nagbahagi ng kaalaman at ilang guidelines tungkol sa epekto ng mga kalamidad sa tao at sa kapaligiran tulad ng PAGASA public storm signal/Typhoon tracking , Installation of local water level gauge, Dissemination of warning signs,Other signages needed in the community at ang Pre-identified evacuation area.Ganundin tinalakay ng Regional Director ng OCD-IV-B Dir.Nelia S.Tabliago ang Family Preparedness for Flood/Landslides at Community Preparedness for Flood and Landslides.
              Samantala sa ikalawang araw ginanap ang actual flood drill sa ganap na ika-8:00 ng umaga.Muli pinangunahan ito ng Brgy.Captain na si Kgg.Severino Martinez sa pamamagitan ng paggamit ng iba't ibang equipments at sasakyan sa lugar na pinagdausan ng nasabing Actual Flood Drill.Dito ay natutunan ng bawat kinatawan ang mga dapat gawin kung paano magliligtas at kung paano hindi dapat mataranta ang bawat isa.Naroon din ang Provincial Hospital Administrator na si Doctor Ramos at nagsilbing doctor sa mga nagkunwaring biktima nga kalamidad upang maisabuhay ang sitwasyon.Pagkatapos ng lahat ng ginawa ng mga kinatawan ay hiningan ng komento at suhestyon ang mga ito.Tinapos ang naturang okasyon ng Kagalang galang na kapitan na si Kap.Severino Martinez ganap na ika-3:00 ng hapon.




Wednesday, August 25, 2010

LIST OF AFPTAB PASSERS!

1. ABANADOR, JOFFREY
2.ABARE, RANDY R.
3.ACOSTA , RHEA GLENN B.
4.AGUSTIN, REYMON D.
5. ANDAYA , LESTER S.
6.ANDRADE, REYDANTE S.
7. ANDRADE, DANTE JR. S.
8.ANONUEVO, MELVIN D.
9.ARAGON, DANDREB C.
10.BABO, JILBERT Z.
11.BAGAIN, MOISES JR. A.
12.BALBOA , JCEL P.
13.BATICADOS, JENNES M.
14.BILOG, DARWIN P.
15.BORABIEN, NOEL D.
16.BORABIEN, BRYAN JOSHUA G.
17.CALDERON, MARVIN R.
18.CAMPOS, FREWEL
19 CATUBUAN ANTHONY A.
20.COBSELAN, RICHARD A.
21.COBSILAN , FAITH A.
22.CUPIADO, EDWARD B.
23.DE LUNA , NUMERIANO R.
24.DE GUZMAN, NOEL JR.
25DELA CRUZ, ERWIN V.
26.DONDON, JUNITO W.
27.DUENAS, MADEL R.
28. ESCOTE, FERNANDO G.
29.ESPINAS, JONH LEE S.
30.EUGENIO, LEONARD R.
31. FLORES, JONATHAN C.
32.GAMUL, ANDRADY G
33.GANTE, LOUIE S.
34.GARCIA, SAMUEL R.
35GARONG, MARION FRANCIS M.
36.HILARIO GERRY G.
37.ILAO, RYAN F.
38.INSIGNE, FREDERICK F.
39.JOVER, NINO M.
40.JOVER, JOMAR P.
41.LINGA, MARC EL F.
42.LUBINA, DIOSDADO M.
43.LUIS, JAYSON J.
44.MELENDREZ, DENNIS R.
45.MONTOYA, JONAS U.
46.MORADA,RAMIL M.
47.MORENO, JOMAR B.
48.NERVIDA, ALDICH G.
49.OLIVEROS,JHEMARK S.
50.ORTEGA, MELCHOR O.
51.ORTEGA, GREGORIO O.
52.OZAR, MARK LESTER M.
53.PALAD, JAY G.
54.PAN, CHRISLER H.
55.PASADILLA, VICENTE N.
56.PAULINO, ARCHIE B.
57.PEREZ, JOHNNADEL S.
58.REVILLA,RODOLFO JR. R.
59.RICAFORT, JOVY MHAR R.
60. RINGOR, RANDY M.
61.RODRIGUEZ, ERWIN A.
62.ROSALES,NEPHTALI A.
63.RUSTIA, ARCELITO C.
64.SARA, CRISLEY G.
65.SAURE, DAVID DON JR.
66.SAWAY,KENNETH F.
67.TERRAYO,CRISTINA T.
68.TOQUERO,ESMAEL M.
69.VALENZUELA, RHEA C.
70.VIDAL, GILBERT V.