ITO ANG FM KO!!!

Thursday, October 7, 2010

ITDS SA CABACAO TAGUMPAY!

80IB BATCOM LTC ROGELIO P. PERCOL @ BRGY.CAPT.NOLASCO QUINONES

FRESH MANGYAN TRIBE "WHITE BLUSH" AND BATCOM

AWARDING OF CERTIFICATE


1LT SABLAN ALPHA COY


THE 80IB COMBO














 Sto Cabacao,Abra de Ilog Occ.Mdo.-Ginanap ang selebrasyon ng ginawang ITDS Internal Territorial Defense System sa Barangay na ito kung saan nagkaroon ng palaro o liga ng Basketball upang magkaroon ng maayos na pakikisama ang mga Philippine Army sa mga tao kaantabay ang pagbibigay ng mga pamamaraan at kaalaman kung paano po-protektahan ang kanilang barangay lalo’t higit ang kanilang mga pamilya. Nagkaroon ng Barangay Night matapos ang mahigit na ilang linggong paglalagi dito upang maisakatuparan ang layunin ng mga kasundaluhang ito.Nakisaya ang Battalion Commander sa katauhan ni LTC ROGELIO P. PERCOL sa okasyong ito sa pamamagitan ng paghahandog ng isang awit.Sa kanyang mensahe binanggit ng mabait na Battalion Commander na ang pagpunta ng bawat sundalo sa isang barangay ay pakikipagkaibigan at pakikipagkaisa sa bawat mamamayan upang magkaisa at makamit ang kapayapaan tungo sa kaunlaran.Dumalo rin ang bagong Commanding Officer ng Alpha Coy na si 1LT GIOVANNI SABLAN, naroon din ang dating Commanding Officer ng Alpha Coy 1LT Emil Delos Reyes at ang iba pang mga kasundaluhan ng 80IB.Naging matagumpay ang nasabing aktibidades sa pakikipagtulungan na rin ng mga mamamayan sa pamumuno ni Barangay Captain Nolasco Quiňones.

NEWS WRITER: DJ DANIELLE

PHOTOS BY: XACER

0 comments: